Monday, March 7, 2011

Critical Commentary 2: Post-colonialism

Para sa pangalawang komentarya, naisip kong sumulat sa Filipino, ang ating itinuturing pambansang wika, dahil sa aking palagay, ito ay naangkop sa texto ng post-colonialism. Gayun din, ako ay nagpapaumanhin kung ang aking pagsulat ng wikang Filipino ay hindi kasing tatas at kagiliwgiliw tulad ng ibang manunulat sa mga blog.

It is a painful remembering of the past, a putting together of the dismembered past to make sense of the trauma of the present (Bhaba, 1994, p.63)
 
 “And the day of oppression ceases, the new man is supposed to emerge before our eyes immediately. Now, I do not like to say so, but I must, since decolonization has demonstrated it: this is not the way it happens. The colonized man lives for a long time before we really see that new man” (Memmi, 1968, p.88)  
Ang mga berso iyan ay aking nakuha at natutunan sa aking elective klase ng post-colonialism and development. Nung una naming tinalakay ang post-colonialism, ako ay nagtaka kung ano ito. Ang alam ko lang dito ay marahil ito ay isang teorya na ginagamit para suriin ang nakaraang kaganapan sa kasaysayan. At nung nalaman ko ang kahulugan nito (nakalagay sa itaas), ako ay napaisip ng malalim. Lalo pa ng mabasa ko ang pangalawang berso na nakasaad muli sa itaas. Ako ay napabuntong hininga. Ang bumubulabog sa aking isipan ay ang nangyari sa Pilipinas noong nasa kamay pa tayo ng mga dayuhang Kastila at Amerikano. Di natin mapagkakaila na tayo’y isang bansang sinakop ng mga banyaga. Di rin natin mapagkakaila na dahil sa pagsakop na ito, tayong mga Pilipino ay labis na naapektohan sa lahat ng aspeto-economic, political, at cultural. Ang sabi nila ay pag-usad o development ang kanilang pakay, ngunit sinong nagsabi na tayo ay hindi umuusad? Sinong nagsabi na tayo ay may pangangailangan ng kanilang gabay? At bakit nga ba tayong itinuri na iba sa kanila, mga mabababang anyo? Dahil ba inihubog nila ang ating mga isipan? Ang mga katanungang ito ay nais kong masagot at mapalawak sa pamamagitan ng pagtingin sa ating kasaysayan upang maging daan sa pagintindi sa ating sitwasyon.

Tulad ng nasabi ni Bhaba, ako ay sumubok na lumakbay sa ating kasaysayan, nung kapanahunan ng bago dumating ang mga dayuhan, noong dumating na sila at pagkaalis nila para maintindihan ang konteksto ng mga problema ng lipunan noong araw para maintindihan ang ating kasalukuyang kalagayan. 
 
Noong unang dumating ang mga Kastila dito, laking gulat nila ng nakita nilang hubad ang mga Pilipino. Para sa ating kultura ng mga panahong iton, ang pagiging hubad ay hindi bastos. Sa isip nila siguro, hindi tayo sibilisado dahil hindi tayo marunong magsuot ng mga damit. Sa katunayan nga, ayon sa aking Kaspil 1 na klase, ang Pilipino ay may sistema na ng pamamalakad at pagkalakal bago pa man din mapadpad dito ang mga Kastila. Ang Pilipinas ay walang isang political unit dahil ito ay isang archipelago. Ngunit, meron naman tayong tinatawag na barangay na isang maituturing nating isang tipo ng political unit na nabibilang ang 30-100 na pamilya. Ang suparbaranggay naman ay mga malalaking barangay na nabibilang ang 500 na pamilya na kung saan malapit sila sa mga poste ng mga pangangalakal. Meron din silang mga rules at regulations, na ating pwedeng masabing primitive dahil sa “eye for an eye, tooth for a tooth” na gawain. Pero kahit ganito ang lagay nila dati, masasabing hindi totally primitive ang Pilipinas dahil may sense of order naman na namamayani. Sa puntong pangekonomiya naman, bago dumating ang mga Kastila,  an gating mga ninuno ay nakikipagkalakalan na sa mga Chinese Japanese, Indonesians, Malays, and Borneos.  Tayo daw ay nakipagpalit ng woven textiles sa mga Japon at Chinese at ang mga kahoy ay ipinalit natin sa mga Indones at Malay. Makikita dito na meron na tayong pagmanage ng ating mga natural na yaman at meron na tayong systema ng pangangalakal. Ang mga impormasyong ito ay aking binanggit para maidiin na meron naman tayong parte ng pagiging sibilisado sa ating sistema ng pamamalakad, sa stabilidad ng ekonomiya gamit ang pangangalakal atbp. Hindi sapat na dahilan na tayo ay sisihin sa ating pagiging “backward” na bansa. 

Noong panahon ng mga Kastila naman, ang laging mga salitang pumapaibabaw ay ang kanilang pagmamalabis at pagsamantala. Ang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere ay isinulat ni Rizal para masalamin ang mga karahasan at pagmamalupit ng mga Kastila noong panahong iyon. Kahit na ang mga gawang ito ay hindi postcolonial dahil ito ay sinulat sa wikang Kastila at dapat hindi talaga sa buong Pilipino ngunit sa mga nakakaintindi na mga Pilipino lang. Hindi rin ito post-kolonyal dahil si Rizal ay naimpluwensyahan mga mga banyagang pagiisip. Natalakay din namin ito sa klaseng post colonialism at development dahil sinasabing “ironic” ang pagkakaroon ng rebolusyon dahil ang mga ugat nito ay galling sa mga banyagang konteskto (e.g. French revolution) Dito rin umiiral ang “master and slave” na problema na kung saan ang master ay ipinakain ang ideya na ang alipin ay mas mababa o inferior. Nagkakarebulsyon daw kung may “slave consciousness” na tinatawag. Kaparehas ng mga nobela ni Rizal, sa Noli Me Tangere, iniisip nila na magkarebolusyon dahil sawa na ang mga Pilipino sa kalupitan ng mga Kastila. Sa El Filibusterismo naman matutugpuan ang Bapor Tabo ay nagsisilibing metaphor ng lipunan na kung saan ang mga nasa ibaba ay ang mga naghihirap na mga Filipino at ang mga nasa itaas ay ang mga Kastilang mapagsamantala. At hindi rin naman natin makakalimutan si Donya Victorina. Siya ay isang babaeng tinatawag na “social climber” dahil para lang siya ay ituring parang Kastila, pinangasawahan niya ang isang utal na matandang doctor na si Don Tiburcio. Ang kanyang karakter ay masasabing pinakamalala. Kung baga sa binary opposition na I at ang Other, ginagawa niya talaga ang lahat ng kanyang makakaya para maging I (Kastila). At noong siya naman ay nagaastang Kastila, binababaan niya ng tingin ang mga Pilipino kahit na siya ay Pilipino rin. Ang mentalidad niya ay nagsasabing siya ay Kastila ngunit sa katotohanan, ang mga Kastila ay ititunuring siyang isang “Other”.
Ang mga nabanggit ko ay mga halimbawa lamang ngunit sila pa rin ay mahalaga dahil sinasalamin nito ang pagkacolonize sa atin, ang pisikal at mental na pagsakop ng mga Kastila. Gayon pa man, ang mga Amerikano ay hindi naman nahuhuli sa listahan. Ang sabi nga nila, mas matindi pa daw ang ginawa sa atin ng mga Amerikano dahil nagawa nila tayong alipin o tuta sa loob ng mga tatlong dekada lamang. At kung tutuusin, mas malala pa nga ang kanilang ginawa dahil nacontrol nila ang mga isipan (neo-colonialism), at dahil dito, nagawa nila tayong pagsamantalahan. Ang mabibigay ko na halimbawa dito ay ang Bell Trade Act and the US Bases. Nagpapaumanhin ako dahil kailangan ko magsalita ng Ingles dahil mahirap isalin ang mga impormasyon na ito sa Filipino. 
            Ito ang Bell Trade Act:
The Bell Trade Act also provided the continuation the free trade (parity, and unlimited entry of American capital) for 5 years (1946-1954). Basically, all these policies strengthened free trade and prohibited the Philippine government from imposing tariffs or any other restrictions on American goods being exported in the Philippines. Such free trading arrangement flooded the Philippines with American manufactured goods, imported free of tariff and without any limits. This arrangement also reflects the colonial pattern of our economic structure: the Philippines as the exporter of raw materials and the consumer of imported manufacturers and goods. Through free trade (Bell Trade Act of 1946, the Floating Rate of 1970, and the IMF-WB-sponsored export oriented development plan under Martial Law), the Philippines was inhibited from building an indigenous heavy manufacturing capability. 
With this said, as the Philippines, an underdeveloped country, persuaded its economy on a free and open basis, it sets itself up for systematic spoliation by the advanced and industrialized economies. Our country was a captive market of the products of foreign manufacturers. And our open economy permitted the unlimited flight of capital made by the foreign and wealthy nationals. There is now an imbalance of our international account. Therefore, it is reflected in the debt trap that we experienced: as we import more than we export and we export more investment capital than we receive.

Ito naman ang pagsamantala sa ating US Bases.

The Military Bases Agreement of 1947 was an agreement between the United States and the Philippines in which the military bases are granted to the United States for a period of ninety nine years, with the right to retain the use, free of rent, of sixteen bases, an indeterminate number of cemeteries and historical sites, and the option to use seven other bases “as the United States determines to be required by military necessity”. This agreement involved more than 400,000 acres of land. The ninety nine period was subsequently reduced to twenty five years from 1966-1991.

            The military establishment of the Philippines was subject to the foreign control of the United States. The relationship of the Armed Forces of the United States and those of the Philippines were of superior and subordinate, between principal and agent, reflecting an imperialist relationship. Congressman Barbero, a member of the Armed Forces of the Philippines during 1968, even revealed that there are top-secret documents in which he described the “U.S. Dictation” over the affairs of the AFP. He pointed out that “the composition, capability and schedule of the development of the Armed Forces of the Philippines is under the effective control of the United States government”. This entails that the US doesn’t only control the quantity and types of arms but also the time made available to the AFP.

Sa sitwasyon ng mga Amerikano, hinayaan natin silang maghari sa ating bansa. May nalaman nga ako sa aking Kaspil 2 na klase na ang mga naunang presidente ay masasabing “tuta ng Kano” dahil sila ay sunod-sunuran sa mga layunin ng mga Amerikano. Ang mga sinasabing mga taong ito ay si Manuel Roxas (Military bases agreement) at si Ramon “My Guy” Magsasaysay. Maliban dito, ang “White Man’s Burden” ay kanilang ginagamit para majustify ang kanilang annexation sa Pilipinas. Ayon sa Benevolent Assimilation na gusto ipatupad ng mga Amerika sa Pilipinas, kailangan tayong gawing sibilisado, bigyan ng tamang edukasyon at pagagaanin ang sitwasyon ng bansa. Gusto daw nila tayong bigyan ng tamang edukasyon. Ngunit sinong  nagsabi na tayo ay kulang sa edukasyon? Sa unang banda, diba hindi rin naman tayo mga hindi sibilisado, na gaya noong nabanggit ko noong naunang mga argumento. Iniisip lang nila na dahil sila yung “civilized” at nakakaalam, meron na silang “right” para i-impose ang kanilang mga kagustuhan sa mga itinuturing nila na hindi “sibilisado” o basta hindi-Western na pag-iisip. At dahil dito, natatatak sa ating mga isipan na tayo ay mas mababang uri at ang mga puti ay nakakalamang. Dahil rin sa ganitong mentalidad tayo ay naaakit ng mga Amerikano.

Gamit ang lens ng post-colonialism, ang aking masasabi dito na base sa ating kasaysayan, tayo ay naging biktima ng control ng mga makapangyarihang mga dayuhan. Tayo rin ay biktima ng kanilang pag-aakit at nagresulta sa paghubog ng ating mga isipan sa kanilang layaw. Makikita dito sa mga halimbawa ang proseso ng “othering” at kolonyalismo na nagbibigay diin sa pagiging inferior ng mga sinakop ng mga dayuhan. Ang sabi nga sa klase, ang teorya ng post-colonialism ay “an examination of the impact and continuing legacy of the European conquest, colonization and domination of non-European lands, peoples and cultures”  Ito ay nagbibigay diin sa mga implikasyon ng inferiority na dinanas ng mga nasakop. Ayon nga kay Fanon, ang epekto ng colonialism ay nakakasama dahil sa sense of inferiority, divided sense of self, alienation from their own culture, at representational stereotypes. Di nalalayo ang ating pinagdaanan sa mga Blacks. Tayo naman ay may tinatawag na Brown Man at Woman, na  pawang mga subaltern din. Itinuturin nating mga nakakataas na uri ang mga puti kung ikukumpara natin sa kapwa nating kayumanggi. Dapat natin itangkilik ang sarili nating pananaw at kultura. Ayon kay Fanon, ito ay magagawa kung maibabalik natin ang ating kasaysayan na tayo ang nagsulat, at hindi ang mga banyaga. Dito, tayo ang bida at hindi sila. Maipapakita dito ang kultura na hindi tinitigan na mababang uri. Marapat na ang paghubog sa bagong “tayo” bilang mga Pilipino ay walang impluwensya ng mga makapangyarihang imperial. Hindi naman sa lagi tayong “against” sa kanila. Ang ibig ko lamang ipahiwatig na may mga katangitangi tayong mga pinagdaanan na hindi pinagdaan ng mga ibang bansa. Kaya dapat hindi natin kumpletong gayahin ang kanilang mga sistema ng pamamalakad. 

Sa ganito ding banda, ang konsepto ni Said ay maaring rin magamit. Ayon sa kanya, ang Orient ay “Other” ng Occident (Kanluran). Ang kanluraning mga pananaw ay itinuturing mas naghahari at nangingibabaw dahil ito ay nagsisilbing pang-“counter” na nagdidikta para masupil ang negatibong katangian ng kultura ng Silangan. Ang nasabing negatibong kaugalian ng mga Pilipino ay ang kanilang katamaran (Indolence of the Filipinos, Juan Tamad). Ngunit sa kabilang banda, ang mga Pilipino ay masisipag at matiyaga dahil lahat ay kinakaya para lamang sa kinabukasan ng pamilya. Umiiral din dito ang kanilang pagiging matiiisin para magtrabaho ng walang humapay para umahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.  Aking masasabi na hindi dapat lahat ng interepretasyon ng Kanluran sa Silangan ay negatibo dahil ang Silangan din ay merong mga gawain at panananaw na kanais-nais rin. 

Sa kasalukyan na sitwasyon, tayo ay nabubulag parin ng neokolonyalismo. Ang “American Dream” ay natin maisakatuparan. Ngunit ang ganitong pagiisip ay nagkakaroon ng implications ng inferiority sa atin. Bakit ba natin nais mangibang bansa? Dahil mas maganda at giginhawa ang buhay natin dun? Dahil ba mas may pera doon? Tayo ay nabubulag dahil gusto natin mapabahagi sa hegemonic culture ng Kanluran. Hindi natin namamalayan na tayo rin ay nasa ilalim ng kanilang makapangyarihang impluwensya. Naiisip natin na dapat maging parang ganun din ang ating bansa. Sa ating pananamit, pamamalakad, at pananaw, may “desire” sa atin na maging tulad nila. Ngunit marapat natin isipin na dapat tumangkilik ng sariling atin. Ang mga dahilan kung bakit umusad ang ekonomiya ng China, Malaysia at iba pang mga Asyanong bansa ay dahil hindi nila “totally” or kumpletong inadapt ang Kanluraning modes of development. Kumuha sila ng katangi-tanging aspeto ng kanilang kultura at pinagsama nila sa natutunan nila sa Kanluran. Sa Pilipinas, parang nais natin gayahin lahat ng aspeto ng Kanluran. Nakakalimutan na natin maglagay ng sariling atin. Kailangan parin ng indigenization. Dapat natin isipin na ang “I” (West) ay nandyan lamang pero kailangan nating maging sensitibo na paghiram ng mga Kanluraning ideya. Sa teoryang post-kolonyal, meron na tayong kapalidad na i-“reconstruct” an gating identidad at pagkatao. Huwag na natin sayangin ang pagkakataon na tayo ay hindi maituring “backward” at “inferior”. 

Sources:


Office of Multicultural Student Services University of Hawaii(2001). American Designs and the Benevolent Assimilation. 
Retrieved from http://opmanong.ssc.hawaii.edu/filipino/benevolent.html

Leela Ghandi, 1998. “After Colonialism” & “Thinking Otherwise: A Brief Intellectual History” in PostColonial Theory: A critical introduction. NY: Columbia University Press. P1-41

Castro, P.A. (1947). Agreements on US military facilities in Philippine military bases.

Lichauco, A. (1973). The Lichauco paper: imperialism in the Philippines. New York: Monthly Review Press

Constantino, R. (1978). The Philippines: the continuing past. Quezon City, Philippines: Foundation for Nationalist Studies.

No comments:

Post a Comment